A proposed sequence:
------------------
Ang pagtatanong sa mga tao kung gano katagal silang naniwala kay santa claus e isang wala talagang kwentang usapang walang katuturan.
Pero kung matanong mo ako kung gano kagatal akong naniwala sa isang gurang na nagsusuot ng pula e masasabi ko ng may kayabangan na hindi talaga ako naniwa sa kanya sa simula't-sapul pa lang.
Alam ko na yung santa nung christmas party namin nung kindergarten e peke at hindi ko na kelangang makita pang hinahalikan ni santa ang nanay ko sa gabi ng pasko. Pero siguro isa lang ako sa mga bata non na nagdududang may isang matandang nagtatrabaho lang tuwing araw ng pasko.
At kung sa anu't ano pa man, maging ang mga alien, mga manlalakbay sa panahon, multo, aswang, mga psychic o kaya'y mga koponan o grupong may masasamang balak at ang mga superhero na kumakalaban sa kanila na makikita mo lang sa mga anime at mga komiks e sa kalaunan ko pa malalaman na may mga ganon pala sa totoong buhay.
Pero hindi siguro.
Siguro alam ko na ang buong katotohanan matagal na. Pero hindi ko lang siguro gustong aminin.
Sa loob-loob ko siguro hiniling ko na may mga alien, mga manlalakbay sa panahon, multo, aswang, mga psychic o kaya'y mga
koponan o grupong may masasamang balak na biglang sumulpot sa harap ko...
Ngunit sadyang malupit ang tadhana!
Kahanga-hanga ang pagkakagawa sa mga batas ng physika. May panahon nga na hindi na ako nanonood ng mga programang tungkol sa mga UFO at mga psychic sa TV.
Mga alien, manlalakbay sa panahon, psychic...
Hindi maaaring magkaroon ng mga ganon.
Pero parang sana meron ano...
Siguro ang kakayahan kong magkaroon ng ganitong paniniwala habang tinatanggap ang katotohanan e hudyat na ako'y nagkaroon na ng tamang-isip.
Nung ako'y nag-graduate ng middle-school, nag-graduate na din ako sa isip batang mga pangarap at nakasanayan ko na ang pangkaraniwang takbo ng buhay dito sa mundo.
*"Sana maging mabuti ang taon ko kasama kayong lahat~~~"*
At akoy' naging isang estudyante ng high-school na walang talagang kung ano pang ninanais at doon, akin syang nakilala...
"Galing sa East High School, Haruhi Suzumiya. Wala akong pakialam sa mga pangkaraniwang mga nilalang. Kung mayroon ditong alien, mga nanggaling sa kinabukasan, mga galing sa ibang dimensyon, mga psychic, magtungo lang kayo sa aking kinaroroonan. Yun lang."
Ano, tatawa na ba dapat don?
At doo'y nakatayo ang isang nakabibighaning dilag.
*"O yung sunod na..."*
*"Galing sa East High School, Ako si Taniguchi."*
Aakalain siguro ng mga tao e nagbibiro lang siya. Pero ngayong tinitignan ko na yon, hindi yon biro o bagay na dapat pagtawanan.
Laging seryoso yang si Haruhi.
At doon, kami'y nagkita.
Haaaay hinihiling ko lang na sana biro lang ng pagkakataon ang lahat...
Kotae wa itsumo watashi no mune ni...
------------------
Hey, it COULD happen. We joked about Karekano once and then five years later we saw Yukino Miyazawa on local TV. We joked about Fruits Basket and 2 years later we saw people transforming into animals when hugged on local TV.
Sunday, September 10, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment